Friday, March 2, 2018

PUFF: FRIENDSHIP OVER BUSINESS








“Ako si Aldrin "Pogi" Millar ng PUFF clothing. Hahahaha! Nagsimula ang PUFF noong 2012, isang clothing na talagang trip-trip lang. Kinausap lang ako ni Franco Gayon na magbuo ng brand. Dahil nung time na yun wala masyadong smokewear, at dahil gamay na nya yung pagdedesign sa mga local at international brands, di na ko nagdalawang isip na ituloy yung offer nya. Una ang binebentahan ko lang mga tropa at schoolmates, akala ko hanggang ganun nga lang eh. Kasi wala talaga kong ideya na aabot sa ganito 'tong brand na 'to. Hahahaha!” 



How was life growing up?

“Lumaki akong mataba. HAHAHAHA! Lumaki ako na hindi marangya ang pamumuhay ng pamilya namin. Maraming struggles pero nalalampasan naman. Swerte ko din na kinalakihan ko ang pagkahilig sa Musika at Sining ng pamilya ko, dun ako natuto at nagkaroon ng hilig sa mga ginagawa ko ngayon.” 


When did you first begin to witness you had creative talents?

“Naramdaman ko na lang na oks pala konsepto ko kahit di ako marunong magdrawing, nung naaappreciate na 'to ng ibang tao. Na kahit yung mga mensahe ng bawat likha namin ay nagegets na din nila. Kaya di nababasag yung tandem namin ni Franco dahil lahat ng design na naiisip ko, 
sya ang nagfifinalize para mailapat sa damit.” 


How did the name PUFF come about?

“Nung una wala akong maisip na pangalan ng brand talaga. Basta ang focus ko nun ay smokewear yung brand na itataguyod ko. Stoned, Stoner, High, etc. kahit alin dun sobrang common ng dating. And then nung pinakita sakin ng designer ko (Franco Gayon) yung unang design namin. Dragon na sabog eh. Unang pumasok sa isip ko yung kanta nila Peter, Paul and Mary na "Puff, The Magic Dragon". Ayun! PUFF!! Tapos yung unang design ay "Puff the Chronic Dragon" hahahaha!”


Why did you decide to choose making clothes your medium of choice?

“Dahil dito ko mas naeexpress yung passion ko sa music at art. Hindi kasi basta pamorma lang ang mga likhang nilalabas namin.” 


With starting a brand, there’s always adversity you face in the beginning. What difficulties have you faced so far?

“Madami masyado eh. Hahaha! Pero siguro noong nagsisimula ako, yung kailangang magpakilala sa target market. Sobrang hirap nun. Kasi nung panahon na yun kailangan mong pumunta sa mga events at makiusap sa mga productions para makapaglatag. Madalas dumadayo ako sa malalayo tapos pamasahe lang dala ko, kailangan makabenta ako para makakain ako at makauwi ako sa Laguna. Haha! Walang kwenta pa ang Facebook at Instagram noon, samantalang ngayon magbabayad ka lang. Isang boost post lang sandamakmak na tao na ang makakakita ng ads mo. Pero ayoko pa din gawin yun. Hahahaha!” 


There are a lot of brands out right now. How do you look to set yourself apart from them?

“Siguro yung pagtaliwas ko sa trend. Na hindi ko kailangang makisabay sa uso para makabenta. At yung pakikitungo ko sa bawat tao na bumibili. Yung merong koneksyon sa kanila, ituring silang kaibigan at hindi lang basta mamimili. Customers? Wala ako nun, tropa marami! Haha! Kaya madami na ding naging loyal sa brand ko, mga sumusuporta simula umpisa hanggang ngayon. Solid eh!” 


Your latest collection/recent, what inspired this concept?

“All-Seeing High at Lipad Kalawakan 2.0”

Ian Tayao wearing All-Seeing High
Ron Henley wearing Lipad Kalawakan 2.0

“Yung All-Seeing High kasi kinuha ko yun sa paniniwala ko noon pa. Na ang bawat isa ay pantay-pantay, walang mataas o mababa, hindi rin basehan ang paniniwala. Kahit sino pa ang kaharap mo, dapat mabuti pa rin ang pakikitungo. 2014 ko pa naisip yun, pero halos 3 years ko pinag-isipan kung paano mailalabas ng maganda at tatatak sa isip ng mga tao ang mensahe. Lipad Kalawakan 2.0 naman, pinahiga ko lang yung unang version ng Lipad Kalawakan. Hahahahaha! Pero binalik ko lang talaga yung konseptong astronaut, kasi dun kami nakilala. Kagaya ng unang Lipad Kalawakan, glow in the dark din ang print para cool. Hahaha! Ang pinakasolid lang sa dalawang designs na 'to, almost 2 hours lang tinagal at nasold-out na after ko ipost sa social media.”



What could we be expecting from PUFF as the rest of the year rolls out?

“Secret! Hahaha! Basta katulad ng dati, biglaan lang at paunahan din. Haha! Hint lang, ibabalik ko yung mga luma na paborito ng karamihan.”


What you’ve learned over the years with Puff?

“SOBRANG DAMI! And until now, natututo pa rin ako. Malaking parte ang PUFF sa pagkatao ko. Fortunately, nakakabuti naman sakin. Hahahaha!” 


When it’s all said and done how would you like to be remembered?

“Gusto ko maalala ng mga tao yung pagiging unique ng PUFF at mainspire sila na kaya natin makamit o maexperience yung mga magagandang bagay na di natin ineexpect sa buhay natin. 
Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin lahat eh. Haha!”






No comments:

Post a Comment